Paano ako napunta sa Vetmed?

Written in my native tongue, Filipino.
Lahat ng nakasulat dito ay galing sa karanasan ko bilang tao at estudyante, mahaba pero try mo.
image

Wala naman talaga akong balak maging beterinaryo… parang wala lang talaga kong maiisip.

Nung bata ako medyo nagugustuhan ko ung mga sciences and everything curious ako.. di rin naman ako magaling sa kahit na anong subject; balanse lang talaga ang lahat. Pero one time nung nagka-usap kami ng tatay ko; tinanong niya kung ano daw gusto ko maging. Siyempre bibo kid ako nun tapos pasikat sa tatay; doktor ung sinabi ko. Tinanong niya kung bakit. Sabi ko naman para pagmatanda ka na may gagamot na sayo. Edi ansaya niya; pero di ko alam yun na ung deepest convo namin ever.

Nung panahong wala na siya, dun na nagsimula ang pagiging NPA naminng magkakapatid; nagpalipat lipat na ko ng bahay, tumira sa kamag-anak and yun. Ngayon dito naman sa Cavite. In fairness naman sa pinsan ko 7 years na kami dito.

Nung nag-highschool na ko sabi ng pinsan ko na mahilig sa aso, mag-vet daw ako kasi indemand na and konti lang daw ung ganun sa Pilipinas. So tumatak na yung mga sinabi niya sakin. Tutal wala na kong gagamuting tao, edi sa hayop na lang ako mag fofocus.

Sa pagpili naman ng uni sabi nila mag-clsu daw ako. Edi saya ko malayo dito sa cavite, tapos yun pala merong CvSU dito na nagooffer ng Vet Med, kaya ayun dun ako napadpad, sa kabukiran ng Indang. Pero sa totoo lang gusto ko talaga dun sa clsu; center of excellence kasi sila in terms of Veterinary Medicine. Pero wala ehh ung mga nagpapaaral talaga ang masusunod.

Pumasok na ko ng CvSU; mukhang tanga talga ko nun, wala akong kaalam alam. Ung tipong pasok ka lang ng college, come what may; di man lang ako makasabay sa agos nung mga unang linggo. Culture shock talaga. Ung mga kaklase ko andaming alam, tapos rich kids, puro may negosyong related sa vetmed (eg. farms) Nga nga talaga ko. Pero kapit lang talaga sa taas at sa pag-aaral ng mabuti; naku friends magbubunga rin yan. Awa ng Diyos regular pa ko ngayon.

Oo, di pa naman ako graduate, sino ba naman ako para pakinggan niyo; wala pa kong napapatunayan pero ishi-share ko tong experience ko sa inyo nung nagsisimula pa lang ako.

Maraming taong mag-uunderestimate sayo, maraming taong titingnan kang parang lupa; maraming taong pagtatawanan ka, maraming taong kakapit sayo pag may kailangan. Pero eto lang ang mapapayo ko; humanap ka ng mga ka-uri mo (ka-vibes ba), ung tipo ng mga taong katulad mo, ung tipong parehas kayo ng hinahangad sa buhay, ung mga taong dadamayan ka sa pagbagsak mo sa mga exams at ung mga taong magiging kaagapay mo sa hirap. Yun dun ka kumapit. Mag-tulungan kayo.

Masaya ang pag-aaral, wag lang ung exams. Hahaha!

xx,
Kay
vetstudentonline

Advertisements

4 thoughts on “Paano ako napunta sa Vetmed?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s